P205M halaga tulong-pinansyal ipinamahagi sa mga magsasaka mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa Pampanga
Aabot sa P205.58 milyong pinansyal na ayuda ang ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Niño sa probinsya ng Pampanga.
ayon kay Pangulong Marcos, nasa P105.58 milyong ayuda naman ang ibinigay sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.
Nasa P367.54 milyong halaga ng agrikultura ang nasira saa rehiyon dahil sa El Niño.
“Upang makatulong sa inyong pagbangon at bilang pasasalamat sa inyong araw-araw na pagsisikap, kami po ay mamamahagi sa inyo ng ilang tulong pandagdag sa inyong kabuhayan,” pahayag ni Pangulong Marcos
Namahagi rin si Pangulong Marcos ng tig P10,000 sa 10,000 benepisyaryo ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kabuuan, nasa P100 milyon ang ibinigay ng DSWD.
Namahagi naman ang tanggapan ni Speaker Martin Romualdez ng tig-limang kilong bigas. (CY)