Pangulong Marcos hinamon si Pastor Quiboloy na magpakita na
Hinamon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na magpakita na at harapin ang kaniyang mga kaso.
Ito ay matapos kwestyunin ang pagtanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa P10 milyong pabuya mula sa pribadong indibidwal para sa ikadarakip ni Quiboloy.
Sa ambush interview sa Montalban, Rizal, sinabi ni Pangulong Marcos na walang masama sa pagtanggap ng pabuya.
“Bakit hindi? They want to help us bring a fugitive to justice. He is a fugitive. He is hiding from the law,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kinuwestyun din ni Pangulong Marcos kung ano ang motibo ni Quiboloy at hinikayat na sundin ang itinatakda batas.
Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang korte sa Davao laban kay Quiboloy dahil sa kasong sex trafficking, child abuse at iba pa. (DDC)