Toxic watchdog group na BAN Toxics umaasang mahihinto na ng bentahan ng medical devices at dental amalgams na nagtataglay mercury

Toxic watchdog group na BAN Toxics umaasang mahihinto na ng bentahan ng medical devices at dental amalgams na nagtataglay mercury

Umaasa ng toxic watchdog group na BAN Toxics na matutuldukan ang bentahan ng medical devices at dental amalgams na nagtataglay mercury.

Kasunod ito ng inilabas na warning ng Food and Drug Administration (FDA) na nagbibigay babala sa publiko sa bentahan at paggamit ng mercury-added thermometers at sphygmomanometers, gayundin ng mga dental amalgam capsules.

Ayon BAN Toxics ang pagbebenta ng nasabing mga produkto ay ipinagbabawal sa ilalim ng RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Nauna na ring nag-isyu ng Administrative Order ang Department of Health (DOH) sa pag-phase out ng at disposal ng dental amalgams sa bansa.

Nanawagan si Toxic Campaigner Thony Dizon sa mga online shopping platforms na istriktong sundin ng kautusan ng FDA.

Ang Mercury ay kasama sa “top ten chemicals of major concern” ayon sa World Health Organization (WHO) dahil sa epekto nito sa kalusugan ng tao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *