Impounding process ceremony para sa Upper Wawa Dam sa Montalban, pinangunahan ni Pang. Marcos

Impounding process ceremony para sa Upper Wawa Dam sa Montalban, pinangunahan ni Pang. Marcos

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang idinaos na impounding process ceremony para sa Upper Wawa Dam sa Montalban, Rizal.

Layunin nitong masiguro ang sapat at malinis na suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Pagsapit ng taong 2025, inaasahang madadagdagan ng dam, na bahagi ng Wawa Bulk Water Supply Project Phase 2 ang water supply sa Metro Manila ng aabot sa 438 milyong litro kada araw, mula sa dating 80 milyon.

Dahil sa nasabing proyekto, masusuportahan ang hanggang 3.5 milyong Pilipino, at makatutulong din ito upang maibsan ang pagbabaha, at maisulong ang climate resilience.

Major component ng Wawa Bulk Water Supply Project Phase 2 ang konstruksyon 85-meter-high at 438.5-meter-long na roller compacted concrete na Upper Wawa Dam.

Ang proyekto ay pinondohan g P26.5 billion sa pamamagitan ng Public-Private Partnership o PPP. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *