Account sa Tiktok ginagamit para magpakalat ng fake news tungkol sa programa ng DSWD
Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko sa account sa Tiktok na ginagamit para magpalaganap ng pekeng impormasyon tungkol sa ahensya.
Hinikayat ng DSWD ang publiko na i-report ang account sa Tiktok na ‘parengjo8to’.
Nagpo-post kasi ito ng mga maling impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng kagawaran gayundin ng iba pang ahensya.
Sa post sa Tiktok ng naturang account, sinabing ang DSWD ay magbibigay ng cash assistance na nagkakahalaga ng P8,000 sa bawat pamilya.
Sinabi ng DSWD na ang mga nangangailangan ng tulong sa panahon ng krisis ay maaaring tulungan ng ahensya na mag-avail ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa ilalim ng programa ay maaaring makatanggap ng tulong medical, burial, transportation, educational assistance, at iba pang tulong pinansyal.
Magtungo lamang sa pinakamalapit na Social Welfare and Development Offices (SWDOs) o sa mga Crisis Intervention Units Satellites Offices. (DDC)