3 suspek timbog, P3-milyong shabu nakumpiska sa Las Pinas City

3 suspek timbog, P3-milyong shabu nakumpiska sa Las Pinas City

Tatlong suspek kabilang ang dalawang High Value Individuals (HVIs) ang naaresto ng mga tauhan ng Special Operation Unit NCR ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency NCR, at nakumpiska ang P3,060,000 na halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa C-5 Road Goldeb Haven Memorial Park, Barangay Pulanglupa Uno,Las Pinas City nitong July 6.

Inanunsyo ni PNP DEG Director, Brig. General Eleazar P. Matta ang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na sina Ariel Alejandro Temporal, alyas Totie, 48-anyos, (HVI); Joan Alcaide Angue, 47-anyos; at Jennifer Pagulayan Francisco, 58-anyos,(HVI).

Nasamsam ng operating teams bilang ebidensiya ang tinatayang 450 gramo ng hinihinalang shabu at marked money.

“Ang pagkakahuli na ito ay bahagi pa rin ng Supply Reduction Strategy na ayon sa mandato ng PNP Drug Enforcement Group. Makakaasa po kayo na lalo pa naming paiigtingin ang ating laban kontra sa illegal na droga na patuloy na sumisira sa sistema ng ating komunidad,” pahayag ni BGen Matta.

Dinala ang nga suspek sa PNP DEG SOU NCR para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso habang itinurn over sa PNP Forensic Group, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City ang mga ebidensiya upang suriin. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *