800 kabataan naserbisyuhan ng libreng tuli ng “Alagang MPT South”

800 kabataan naserbisyuhan ng libreng tuli ng “Alagang MPT South”

Libreng naserbisyuhan ang nasa kabuuang 848 na kabataan sa serye ng Alagang MPT South: Operation Tuli, isang medical outreach program ng MPT South sa pakikipagtulungan ng local government units at mga institusyon bilang bahagi sa hakbang ng kumpanya na tumulong sa mga komunidad.

Nag-organisa ng tatlong bugso ng Operation Tuli ang MPT South simula noong June 10 hanggang 26.

Unang isinagawa ang libreng pagtutuli sa 266 na bata sa Imus City sa kolaborasyon ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanyang City Health Office, Office of the Congressman ng Cavite 3rd District at Cavite Naval Hospital habang sinundan naman ang programa sa General Trias City kung saan nabenepisyuhan din ang 466 na bata.

Huling ikinasa ang operation tuli sa Bulungan Wet Market sa Paranaque City katuwang ang City Health Office ng Pamahalaang Lungsod, Manila Naval Hospital at Philippine Nursing Students’ Association kung saan natulungan ang 133 na bata.

“We are confident that through MPT South’s continued effort countless individuals will be able to access this life-changing procedure and associated health benefits. We are truly inspired by the company’s pursuit of improving lives of the communities they serve ” pahayag ni Dr. Jonathan Dr. Jonathan Porto Luseco, City Health Officer ng General Trias City.

“Our Alagang MPT South: Operation Tuli shows our commitment to contribute to community development to help enhance the lives of the communities that we serve. We are proud and grateful to our partners to bring this essential health service to alignment communities of CAVITEX and CALAX”, sabi ni MPT South Vice President for Communication and Stakeholder Management, Ms. Arlette Capistrano.

Bukod sa taunang medical mission programs, ang MPT South ay nagsasagawa rin ng Linis Barangay, isang cleaning and greening initiative para sa mga komunidad; Drayberks Road Safety Caravan, isang road safety education program; at pamamahagi ng Bayani Ka Road Safety Activity books sa mga bata.

Ang MPT South ay subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na may negosyo sa pagtatayo at operasyon ng toll roads sa Pilipinas, Indonesia, at Vietnam. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *