Higit 500 na baril nasamsam ng SPD sa loob ng anim na buwan

Higit 500 na baril nasamsam ng SPD sa loob ng anim na buwan

Iniulat ng Southern Police District (SPD) ang maigting na kampanya kontra loose firearms nito na nagresulta ng pagkakasamsam ng kabuuang 524 na iba’t ibang uri ng baril simula noong Enero hanggang Hunyo 2024.

Ayon kay SPD District Director Brig. General Leon Victor Rosete na ang kampanyang ito ay mahalaga sa karagdagang kaligtasan ng publiko at mapababa ang krimen sa katimugang Metro Manila.

Base sa report, nagsagawa ng 338 targeted operations ang mga operatiba ng SPD na nagresulta ng pagkakumpiska ng 381 na baril ,27 naman ang isinurender ng boluntaryo ng mga indibiduwal,1 ang nakunan at 114 pang baril ang siniguro para sa safekeeping upang maiwasan ang posibleng ilegal na paggamit nito.

Bukod sa mga baril, umabot sa 351 katao ang inaresto dahil sa paglabag na nagbigay-diin sa pangako ng SPD na itaguyod ang batas at tiyakin ang ligtas na komunidad.

Inihayag ni ni BGen Rosete na ang Parañaque City Police ang Top Performing Police Station na nakakumpiska ng pinakamaraming bilang ng baril at naarestong indibiduwal sa gitna ng kampanya.Sinundan ito ng Makati CPS at Taguig CPS para sa ikalawang puwesto habang ikatlong puwesto naman ang Las Piñas CPS para sa kabuuang tagumpay ng kampanya.

Pinaigting ng SPD ang kanyang anti-loose firearm campaign upang masugpo ang pagkalat ng mga ilegal na baril, bumaba ang krimen at pagdanhin ang seguridad ng publiko na sumasalamin sa dedikasyon at pagpupursige ng mga pulis.

Nanindigan ang SPD sa pagtataguyod ng ganitong mga hakbang upang alisin ang mga ilegal na baril sa lansangan at siguruhing ligtas ang komunidad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *