Chinese crew ng isang bulk carrier isinailalim sa medical evacuation matapos masugatan sa karagatang sakop ng Antique

Chinese crew ng isang bulk carrier isinailalim sa medical evacuation matapos masugatan sa karagatang sakop ng Antique

Nagsagawa ng medical evacuation ag Philippine Coast Guard sa isang Chinese crew na nasugatan habang lulan ng barko sa karagatang sakop ng Caluya, Antique.

Ayon sa PCG, aksidenteng naputol ang kaliwang hinlalaki ng 38-anyos na Chinese crew ng Hongkong-flagged bbulk carrier na MV BBG Qinzhou.

Ito ay matapos na tumama sa fan blade ang daliri ng crew.

Agad namang idineploy ng PCG ang BRP Kalanggaman para madala ang dayuhan sa ospital sa Iloilo City. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *