Sen. Francis Tolentino nagbigay tulong sa Unang Distrito ng Batangas
Nagtungo si Senator Francis Tolentino sa unang distrito ng Batangas umaga ng Biyernes, July 5.
Nagbigay ng tulong ang senador sa mga BatangueƱo.
Unang binisita ni Tolentino ang Barangay Bilaran, Nasugbu, Batangas.
Kabilang sa ipinamahagi sa mga benepisyaryo ay tulong-pinansyal at ilang wheel chair para sa mga nangangailangan nito.
Samantala nagbigay ng pahayag si Tolentino sa ilang isyu sa bansa.
Kaugnay sa bangayan ni Senator Allan Peter Cayetano at Senator Nancy Binay, bilang Chairman ng Ethics Commitee sa Senado .
Sa isyu naman ng West Philippine Sea kinakailangan aniyang makita ang sinseridad ng China.
Nanawagan naman si Tolentino sa mga nagpapakalat ng pananakot online partikular ang mga nagbabanta sa posibleng giyera sa pagitan ng China at Pilipinas.
Ayon sa senador hindi ito makatutulong sa sitwasyon at sa halip ay makasasama pa sa stability ng lipunan.
Natanong dinsi Tolentino sa pag-eextend ng termino ng mga kapitan na isinusulong ni Senator Imee Marcos at sumasang-ayon daw siya dito .
Matapos sa Nasugbu nagtungo ang Senador sa mga bayan ng Tuy, Calatagan, Lemery at Balayan para magbigay din tulong at makipag daupang palad sa mga mamamayan dito. (DDC)