Aplikasyon para sa special study permit maaari ng gawin online ayon sa BI

Aplikasyon para sa special study permit maaari ng gawin online ayon sa BI

Inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang online special study permit (SSP) application.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, bahagi ito ng mas pinalawak na modernization efforts ng ahensya.

Ang SSP ay permit na ibinigay sa mga foreign students na nakakamit ang itinakdang criteria.

Ang mga aplikante ay dapat mas mababa sa edad na 18, naka-enroll sa non-degree course, enrolled at admitted sa short course o kaya ay trainee o intern para makumpleto ang degree course.

Pinapayagan ding kumuha ng SSP ang mga naka-enroll sa aviation o flying schools upang makakumpleto sila ng required number ng flying hours.

Ani Tansingco, maaari nang mag-apply ng SSP sa pamamagitan ng online services portal ng BI na e-services.immigration.gov.ph.

Layo nito na mas mapabilis ang transaksyon sa ahensya at maibsan din ang korapsyon. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *