SPD nakakumpiska ng P3.3M na halaga ng illegal drugs sa isang linggong operasyon

SPD nakakumpiska ng P3.3M na halaga ng illegal drugs sa isang linggong operasyon

Nakumpiska ng Southern Police District (SPD) ang kabuuang P3,337,932.40 na halaga ng ilegal na droga sa matagumpay na anti-illegal drugs operations sa mga nasasakupang lugar sa katimugang bahagi ng Metro Manila simula nitong June 26 hanggang July 2.

Ayon kay SPD District Director, Brigadier General Leon Victor Rosete nagkasa ang mga tauhan nito ng 50 strategic operations na nagresulta ng pagkakumpiska ng 484.38 gramo ng shabu, 14.57 gramo ng marijuana at pagkaaresto ng 79 na suspek.

“This milestone underscores the SPD’s resolute commitment to eradicating illegal drugs from our neighborhoods. The SPD expresses sincere appreciation to the community for their continuous support and cooperation in this critical initiative. Together, we can forge a safer future for our community,” pahayag ni BGen Rosete. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *