DENR sinagot ang pagsuprota ng mga Hollywood celebrities sa Masungi Georeserve Foundation
Naglabas ng reaksyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa panawagan ng Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio sa administrasyong Marcos na patuloy na protektahan ang Masungi Georeserve.
Sa pahayag ni DiCaprio, ikinabahala nito ang nakatakdang pagkansela ng DENR sa kasunduan na nagbibigay proteksyon sa Masungi laban sa land grabbing activities.
Bago ito ay naglabas na din ng suporta para sa Masungi Georeserve Foundation ang climate activist na si Greta Thunberg at ang rock star na si Sting.
Ayon sa DENR, pag-aari ng Filipino people ang lugar na inookupa ng Masungi Georeserve Foundation.
Ang operasyon ng resort venues, meetings at kasal at iba pang event sa lugar ay nananatiling non-compliant sa mga batas ng bansa.
Iginiit ng DENR na patuloy ang mga hakbang nito para na nasusunod ang mga itinatakda ng batas kaugnay sa kalikasan. (DDC)