e-Visa System para sa mga Indian nationals pinarerepaso ni Pang. Marcos
Ipinarerepaso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang e-Visa system para sa mga Indian nationals.
Nais ni Pangulong Marcos na gawing madali ang proseso ng e-Visa para makatulong na mapalakas ang turismo sa bansa.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa ika-anim na Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group meeting sa Palasyo ng Malakanyang.
“We don’t have any such issues [with India]. So, I’m sure we can use their system,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sa kasalukuyang e-Visa system, obligado ang mga Indian nationals na magkaroon ng personal appearance sa Philippine Embassy sa New Delhi.
Inirekomenda naman ni Lucio Tan III, LT Group president at chief executive officer at miyembro ng PSAC- TSG na magkaroon na lamang ng third party service provider para magpatakbo sa e-Visa system.
“In view of that, we recommend engaging in third party service provider that will establish, run and maintain the e-Visa system under the guidance of the relevant government agencies,” sabi ni Tan kay Pangulong Marcos.
Nasa beta testing pa lamang ngayon ang e-Visa system at mga walk-in pa lamang ang tinatanggap sa New Delhi. (DDC)