Sen. Tolentino nagsilbing guest speaker sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa LSPU-San Pablo City Campus

Sen. Tolentino nagsilbing guest speaker sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa LSPU-San Pablo City Campus

Nagsilbing panauhing tagapagsalita sa ginanap na Commencement Exercises ng Laguna State Polytechnic University – San Pablo City Campus si Senate Majority Floor Leader Senator Francis “Tol” Tolentino ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 3, 2024 sa San Pablo Convention Center, San Pablo City, Laguna.

Sa mensahe ni Sen. Tolentino, kanyang binati ang mga nagsipagtapos sapagkat dumating na ang panahon na mag-aani ng bunga ng pagsisikap, tiyaga at walang humpay na pagpupunyagi. At sa pagharap sa bagong kabanata ng buhay ay dala ang karunungan at kahusayang nakuha sa naturang paaralan.

“Ang kalidad ng edukasyon na inyong natanggap mula sa institusyong ito ay nagsilbing tuntungan upang hubugin ang inyong kakayahan at mga prinsipyo na magiging gabay sa pag-abot ng tagumpay at pag-unlad ng ating bansa,” ani Tolentino.

Umaasa ang opisyal na sa pamamagitan ng makabago at masiglang kaisipan, matibay na integridad, at walang kapantay na dedikasyon sa kahusayan ng mga nagsipagtapos ay makakagawa ng landas patungo sa matatag at maunlad na kinabukasan.

Gayundin, umaasa si Tolentino na ang edukasyong natamo ng mga nagsipagtapos ay magsisilbing Liwanag na magpapaalab ng pag-asa at inspirasyon sa iba, at magtaguyod ng isang kultura ng kaalaman at pag-unlad.

Sapagkat naniniwala ang senador na ang tunay na pamumuno ay nasusukat hindi lamang sa sariling tagumpay kundi sa kakayahang itaas ang antas ng buhay ng iba at mag-ambag ng may kabutihan sa lipunan.

Hiniling din ng senador sa mga nagsipagtapos na panatilihin ang mga halagang integridad, pananagutang sibiko, at walang hanggang pagmamahal sa bayan na naitanim sa puso at isipan. Yakapin ang responsibilidad na kalakip ng edukasyon, at siguraduhin na ang mga kilos at gawa ay sumasalamin sa positibong pagbabago na hinahangad para sa lipunan.

Samantala, pagkatapos dumalo sa naturang programa kaagad na nagtungo si Senador Tolentino sa Carmona Town Plaza sa Lungsod ng Carmona upang ipamahagi ang tulong pinansyal sa anim na daang (600) benepisaryo ng Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *