Pulis, 2 kasama tiklo sa pagbebenta ng ilegal na baril sa Taguig City

Pulis, 2 kasama tiklo sa pagbebenta ng ilegal na baril sa Taguig City

Tatlong suspek kabilang ang isang pulis na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na baril ang naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District-Special Operations Unit sa matagumpay na entrapment operation sa Acacia Street, Cembo, Taguig City nitong hapon ng Martes, July 2.

Inanunsyo ni SPD District Director, Brig. General Leon Victor Rosete ang mga suspek na sina alyas Bobby Lewis,28-anyos,(babae); alyas John, 34-anyos; at alyas Gary, 34-anyos,miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ng SPD, ikinasa ang operasyon matapos matanggap ang sumbong ng isang Regular Confidential Informant (RCI) kaugnay sa umano’y ilegal na aktibidad ni alyas Bobby Lewis at mga kasabwat nito sa mga lungsod ng Makati at Taguig.

Sa gitna ng operasyon nakumpiska sa mga suspek ang mga ebidensiya kabilang ang marked money, ilang baril at mga bala, tennis bag, Yamaha NMAX motorcycle na walang plaka,tatlong cellphones at PNP Identification Card na nasa pangalan ni alyas Gary.

Nabatid na gumamit ang mga operatiba ng SPD sa kanilang operasyon ng Body Worn Cameras (BWC) at Alternative Recording Devices (ARD).

Sa isinagawang beripikasyon sa pamamagitan ng CRAS,lumilitaw na si alyas Gary ay naaresto noong 2021 dahil kasong Alarms and Scandal.

Ang nadakip na tatlong suspek at mga ebidensiya ay dinala sa tanggapan ng DSOU Office para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 10591. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *