3 barangay sa Infanta, Quezon nabigyan ng mga importanteng kagamitan ni Vice Mayor Ruanto
Matapos makiisa si Infanta Vice Mayor L.A Ruanto sa DSWD-AICS Distribution at turn-over ng mga kagamitang pangsaka at mga abono para sa mga magsasaka mula sa Department of Agriculture sa pamamagitan ni Cong. Mark Enverga ay agad tinungo ang tatlong barangay ng kanyang nasasakupan kabilang na dito ang Barangay Alitas, May Pulot at Barangay Antikin upang iturn-over din ang mga request ng mga barangay officials.
Tig-iisang mga computer sets, mga Solar Lights, Printer, Water Dispenser, mga gamit ng mga Barangay Tanod at iba pang mga kagamitan na mapapakinabangan ng bawat barangay.
Bagama’t napaka hectic ang schedule ng bise alkalde na galing pa siya sa bansang Australia dahil sa kanyang dinaluhan na seminar o importanteng papel bilang vice mayor sa pamamagitan ng UP-NCPAG Leadership Academy na siya ang naging delegado sa buong bansa at iba pang mga leader at agad namang nagtatrabaho si Ruanto pagkadating sa kanyang bayan upang makadaupang palad ang kanyang mga kababayan.
Ikinatuwa naman ng mga Barangay Kapitan at ng mga opisyal dahil sa Lingap Agad program katuwang ang Serbisyong Tunay at Natural ay agad natugunan ang bawat request ng bawat barangay na tuloy-tuloy itong ipinamahagi halos linggo-linggo dahil sa sariling dukot at inisyatibong tugon ng bise alkalde.
Sa pagbisita ni Ruanto sa mga barangay, ibinahagi ng bise alkalde ang mga magagandang programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan na malaki na ang pagbabago ng probinsya na natugunan ang mga pangangailangan ng bawat hospital lalo na ang Claro M. Recto District Hospital sa Infanta, Quezon na unti-unti ng nilalagyan ng mga medical equipment na magagamit ng mga pasyente una na dito ang Dialysis Center na naisakatuparan na sa kasalukuyan at napapakinabangan na mga Quezonian.
Dagdag pa ni Ruanto, na halos lahat ng mga proyektong infrastraktura na tapos na ay sa pamamagitan ito ng sariling dukot o sariling sikap program ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang pundasyon ng Serbisyong Tunay at Natural na si DPWH Regional Director Engr. Ronnel Tan. (JR Narit)