Indigent seniors citizens ng Brgy. Pamplona Uno nakatanggap na ng tulong pinansiyal mula sa Las Piñas LGU

Indigent seniors citizens ng Brgy. Pamplona Uno nakatanggap na ng tulong pinansiyal mula sa Las Piñas LGU

Natanggap na ng indigent senior citizens sa Barangay Pamplona Uno ang kanilang pinansiyal na suporta sa isinagawang social pension cash-payout ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Pamplona Elementary School Central.

Ang mga kuwalipikadong senior citizens ay nakakuha ng tig-P5,000 bilang tulong pinansiyal sa mga nakatatanda sa naturang barangay.

Bahagi ang inisyatibang ito sa pangako ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti sa kapakanan ng mga residenteng senior.

Personal na tinutukan ni Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng financial support upang siguruhing maayos at organisado ang proseso.

Binigyang-diin ni VM Aguilar ang ganitong mahalagang mga programa para pagaanin ang mga suliraning pampinansiyal na kinakaharap ng mga nakatatanda at muling nanindigan ang lokal na pamahalaan sa kanyang dedikasyon na pagandahin ang kapakanan ng mga seniors sa lungsod.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa natanggap nilang tulong at ang positibong epekto ng suporta sa kanilang pamumuhay. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *