Sen. Sonny Angara tinanggap ang hamon na pamunuan ang DepEd

Sen. Sonny Angara tinanggap ang hamon na pamunuan ang DepEd

Nagpasalamat si Senator Sonny Angara sa tiwalang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos siyang italaga bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Angara, tinatanggap niya ng buong puso at may kababaang loob ang iniatang na responsibilidad.

Tiniyak din ni Angara na makikipagtulungan siya sa lahat ng sektor, kasama na si Vice President Sara Duterte para masiguro ang kalidad na edukasyon para sa lahat.

Ani Angara sa pamamagitan ng pagtutulungan ay masosolusyonan ang mga hamon sa edukasyon.

Handa na rin ang senador na makipagtulungan sa administrasyon ni Pangulong Marcos para maserbisyuhan ang mga mag-aaral, masuportahan ang mga guro at mapagbuti pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *