“Tara, Basa! Learning Sessions” sinimulan na sa Samar Province

“Tara, Basa! Learning Sessions” sinimulan na sa Samar Province

Pormal nang inumpisahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII ang 20-araw na learning sessions sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) sa lalawigan ng Samar.

Mayroong 375 Tutors and Youth Development Workers (YDWs) ang ipinakalat sa lalawigan para magturo sa 2,000 mga mag-aaral na hindi pa nakakapagbasa.

Ang mga tutor ay magsasagawa din ng family development sessions para sa mga magulang at guardian ng mga bata.

Nagpahayag naman ng suporta si Paranas, Samar Mayor Eunice U. Babalcon, sa programa ng DSWD.

Sakop ng simultaneous rollout ng “Tara, Basa” program sa Samar ang 19 na munisipalidad at 2 lungsod.

Sa ilalim ng guidelines ng programa, bawat tutor ay magkakaroon ng 10 estudyante at bawat Youth Development Workers ay magkakaroon ng maximum na 50 magulang o guardian.

Ang mga magsisilbing tutor at workers ay makatatanggap ng financial support na katumbas ng daily minimum wage sa rehiyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *