DOH nakapagtala na ng pagtaas sa kaso ng dengue

DOH nakapagtala na ng pagtaas sa kaso ng dengue

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa kasunod ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ayon sa datos ng DOH, nakapagtala ng 10%, na pagtaas sa kaso ng dengue.

Mula sa 5,547 na kaso noong May 5 to 18, 2024 ay tumaas ito sa 6,082 cases noong May 19 to June 1.

Simula June 2 hanggang June 15, nakapagtala na ang DOH ng 4,689 dengue cases at inaasahang tataas pa ito habang hinihintay ang pagpasok ng report mula sa ibat ibang rehiyon.

Sa kabuuan mula January hanggang June 15, 2024 ay umabot na sa 77,867 Dengue cases ang naitala sa bansa

Mayroon na ring naiulat na 205 na nasawi.

Ayon sa DOH, 15% itong mas mataas kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *