Pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea kinondena ng DFA

Pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea kinondena ng DFA

Kinondena ng pamahalaan ang panibagong insidente ng pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang panibagong paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea ay makapagpapalala ng tensyon at mistulang pagmamaliit sa economic progress, peace, and stability sa Korean Peninsula at sa lndo-Pacific region.

Sinabi ng DFA na patuloy ang panawagan ng gobyerno ng Pilipinas sa DPRK na sundin ang international obligations nito kaugnay sa isinasaad ng UN Security Council resolutions.

Kailangan ding lumahok ito sa constructive at peaceful dialogue sa Republic of Korea. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *