2 nasugatang mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc hindi totoong iniligtas ng barko ng China
Hindi totoo ang inilabas na pahayag ng China na tinulungan nila ang dalawang Pilipinong mangingisda na nasugatan sa Bajo de Masinloc.
Ang pagkasugat ng dalawang mangingisda ay matapos na magkaroon ng engine explosion ang sinasakyan nilang fishing boat sa noong Sabado, June 29.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Cmdr. Jay Tarriela, nauna nang na-rescue kanilang mga tauhan ang mga nasugatang mangingisda bago pa man dumating ang dalawang rigid-hull inflatable boats (RHIBs) ng China Coast Guard.
Tumulong din ang iba pang lokal na mangingisda sa lugar.
Katunayan ayon kay Tarriela, habang patungo sa lugar ang PCG para isagawa ang pag-rescue ay hinarangan pa sila at hinarass ng barko ng China.
Mabuti na lamang ayon kay Tarriela na may mga Filipino fishermen sa lugar na agad umasiste sa dalawang nasugatan. (DDC)