“Bote Mo Shoot Mo” inilunsad sa Sta. Cruz, Laguna

“Bote Mo Shoot Mo” inilunsad sa Sta. Cruz, Laguna

Kasabay sa pagdiriwang ng Environment Month, pormal na inilunsad ng pamahalaang bayan ng Sta Cruz Laguna ang programa ng bote mo Shoot mo,.

Ang naturang programa ay bahagi ng pinaigting at tuluy tuloy na kampanya sa waste segregation.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Sta Cruz Mayor Egay San Luis na malaking bagay ang pagpapatupad ng programang ito dahil habang nalilibang ang kanyang mga kababayan sa pagpapashoot ng bote, hindi nila namamalayan na malaking tulong ito para maisaisip at maisapuso ang pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang diin pa ni San Luis na sinasabi nya noon sa kanyang mga kababayan na darating ang panahon na ang mga yamang dagat ay mahahaluan na ng plastic, at totoo nga umano, dahil naaabsorb na ng marine life ang mga plastic na itinatapon sa body of water.

Kaalinsabay nitoy nanawagan ang alkalde sa kanyang mga tauhan na higpitan ang mga nagtatapon ng upos ng sigarilyo at plastic dahil kung napabayaan malaki ang magiging epekto sa mga ilog at lawa.

Dalangin pa nito na sana ay maibalik ang kalikasan hindi lang sa atin kundi bilang pagtanaw sa panginoong na binigyang tayo ng ganitong mundo at dapat pangalagaan.

Wala umanong magmamahal sa mundo kundi tayong lahat.

Nagbabala rin si Mayor San Luis sa mga nagtatapon ng upos ng sigarilyo at plastic na Pag nahuli ay hindi patatawarin.

Samantala, maliban sa launching ng bote mo shoot mo, una ng nagsagawa ng tree planting at general cleaning activity ang mga empleyado ng munisipyo, lumahok din sila sa kampanyang Pride March. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *