Sta. Cruz, Laguna nakatipid ng mahigit P2.5M sa basura

Sta. Cruz, Laguna nakatipid ng mahigit P2.5M sa basura

Malaki ang natitipid ng lokal na pamahalaan ng Sta Cruz Laguna sa waste disposal Simula ng makipag tie-up sa 2 cement manufacturer sa lalawigan ng Rizal.

Ayon Kay Jenny Corpuz ng Sta Cruz Municipal Environment and Natural Resources Office, umaabot sa mahigit 2.5 milyon ang kanilang natitipid kada taon dahil ang mga basurang dapat Sana ay itatapon sa landfill ay kinukuha na ng 2 pabrika ng semento ang Solid Cement Corporation Antipolo at Republic Cement Municipality of Teresa Rizal

Nasa mahigit 20 tonelada kada buwan umano ang nahahakot ng 2 pabrika ng semento na nakabase sa Teresa Rizal at sa Antipolo City.

Sa pamamagitan umano ng tie -up sa 2 kumpanya ng semento sa ilalim ng programa ng alternative fueling, ang mga itatapon na sanang basura sa landfill ay kinukuha ng libre ng 2 kumpanya at bilang kapalit, ang lokal na pamahalaan ay pinagkakalooban ng Certificate kung gaano karami ang nakuhang basura ng kumpanya.

Alinsunod sa pamantayan ng DENR, inatasan ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng waste diversion upang mabawasan ang residual waste na itinatapon sa landfill.

Idinagdag pa ni Jenny Corpuz na maliban sa waste diversion, mahigpit din ang kanilang ginagawang pagpapatupad ng waste segregation ng MENRO- sa ilalim ng pamumuno ni Evangeline Galzote, kaya malaking bulto ng kanilang re basura na recyclable ay napoproseso upang muling mapakinabangan

Sa kasalukuyan ay matatapos na rin umano ang proyektong waste to energy na isinulong ni Mayor Egay San Luis.

Maliban dito, ang perang kinikita mula sa basura ay inilalaan ng lokal na pamahalaan sa mga scholar, sa katunayan, ngayong taon na ito may mga basura scholar na silang napagtapos ayon Kay Menro Galzote.

Samantala ang nalalabing residual waste ng Sta Cruz Laguna ay itinatapon sa Isang pribadong landfill sa Magdalena Laguna. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *