500 pang PDLs ng Bilibid inilipat sa Occidental Mindoro

500 pang PDLs ng Bilibid inilipat sa Occidental Mindoro

Panibagong batch na 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nailipat na sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na umabot na sa 5,170 PDLs ng NBP ang nailipat na sa mga operating prison and penal farm (OPPF) sa bansa simula pa noong January 2024.

Sa inilipat na 500 PDLs, 200 rito ang galing ng maximum camp, 200 mula sa medium camp at 100 iba pa buhat sa Reception and Diagnostic Center.

Iniskortan aniya ang mga PDLs ng 100 Corrections Officers na binubuo ng SWAT, Medical personnel at escort teams sa pamumuno ni CCInsp Ronolfo Salonga sa tulong ng mga tauhan ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard at South Luzon Espressway/Star Toll Mobile Patrol Group.

Bahagi pa rin ito sa hakbang ng BuCor na paluwagin ang NBP at magbigay ng karagdagang tao na kinakailangan sa OPPF sa pamamagitan ng kanilang Agricultural Project bilang suporta sa Food Security program ng gobyerno.

Noong 2023, nailipat ang nasa 2, 309 PDLs at paghahanda rin ito sa nakatakdang pagsasara ng BuCor sa 2028.(Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *