Health initiative ng Las Piñas LGU at The Aivee Clinic matagumpay, higit 400 residente natulungan

Health initiative ng Las Piñas LGU at The Aivee Clinic matagumpay, higit 400 residente natulungan

Libreng mga konsultasyon, minor surgeries, skin tag cautery, at cyst removals ang naipagkaloob sa mahigit 400 residente ng Las Piñas City.

Ito ay sa tagumpay na paglunsad muli ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pamamagitan ng City Health Office katuwang ang The Aivee Clinic sa “Beauty Beyond Borders” health initiative na layuning tugunan ang pangkomunidad na kalusugan, na ginanap sa Camella 6 Covered Court sa Barangay Pulanglupa Dos.

Bukod sa paghahandog ng dekalidad at mahahalagang dermatological services na pinangunahan ng kilalang dermatologist na si Dr. Aivee Aguilar-Teo, nakatanggap din ang mga residente ng mga libreng gamot at mga impormasyong pangkalusugan.

Dumalo sa kaganapan sina Vice Mayor April Aguilar, Dr. Z Teo, at CHO OIC Dr. Juliana Gonzalez upang suportahan ang naturang proyekto habang sorpresang dumating naman ang actor na si Dominique Roque na nagbigay ng karagdagang tuwa at saya sa mga Las Piñero.

Ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng The Aivee Clinic ay upang agad tugunan ang mga alalahanin sa kalusugan ng mga residente at iangat ang kanilang kamalayan hinggil sa importanteng pangangalaga sa balat at sa ating kalusugan.

Patuloy na pinaprayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga Las Piñero na asahang isasagawa ang mga katulad pang health outreach programs sa lungsod. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *