Pasay Hotline na “888-PASAY” inilunsad ng LGU

Pasay Hotline na “888-PASAY” inilunsad ng LGU

Pormal na inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay City sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto- Rubiano ang bagong streamed lined trunkline na Pasay Hotline na 888-PASAY (888-72729) na maaaring tawagan ng mga residente para sa mabilis na komunikasyon.

Gagamitin ang 888-PASAY sa emergency hotline at extention ng Public Information Office sa pag-aanunsyo ng mga kaganapan sa lungsod maging sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Hinimok ng alkalde ang lahat ng kawani na ipagpatuloy at huwag mapagod sa pagbibigay ng aniya’y tapat at higit pa sa sapat na paglilingkod sa mga PasayeƱo.

Siniguro naman ni PLDT Vice President at head for Business Enterprise Mitch Locsin, na mas mapapadali ang komunikasyon sa pagitan ng mga residente at lokal na pamahalaan at patunay lamang ito sa hakbang ng pangakong makasabay sa digital age tungo sa mas maayos na serbisyo sa mamamayan.

Samantala nagbabala naman si Mayor Rubiano sa mga nagpaplanong gamitin sa kalokohan ang bagong 888-PASAY hotline na sasampahan ng kaukulang kaso ang sinumang mahuhuling umaabuso sa trunkline ng lungsod upang humingi ng kung ano-anong kapalit.

Panawagan ng alkalde sa mga residente na dapat aniya ay agad itong ireport sa 888-72729 o 888-PASAY. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *