5 Pinoy seamen ng MV Transworld Navigators na inatake ng Houthi rebels nasa bansa na
Dumating na sa bansa kahapon ang limang Pilipinong seafarers na crew ng MV Transworld Navigator na unang inatake ng mga rebeldeng Houthi habang naglalayag ang nasabing barko sa Red Sea.
Sinalubong ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang limang tripulanteng Pinoy sakay ng Emirates airline EK 332 kung saan ligtas na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
KAsama ni Cacdac sina DMW Asst. Secretary for Sea-based OFW Concerns Jerome T. Pampolina at OWWA Deputy Administrator Honey Quin̈o.
Ito ang unang grupo sa pagpapauwi sa 27 Pinoy seamen matapos salakayin ng Houthi rebels ang kanilang barko sa nabanggit na karagatan.
Tumanggap ng pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ang mga umuwing Pinoy seafarers at sinigurong makakakuha rin ng suporta sa kanilang reintegrasyon.
Ang ikinasang repatriation ay sa pagtutulungan ng lisensiyadong manning agency at ng may-ari ng barko. (Bhelle Gamboa)