Extradition kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr. inaprubahan ng korte sa Timor Leste

Extradition kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr. inaprubahan ng korte sa Timor Leste

Inaprubahan ng korte sa Timor Leste ang extradition kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Ayon sa Department of Justice (DOJ) batay sa impormasyon mula sa Attorney-General ng Timor Leste, inaprubahan ang extradition request na inihain ng gobyerno sa Court of Appeals ng nasabing bansa.

Dahil dito ay inaasahan ang pagdating sa bansa ni Teves para kaharapin ang mga kasong isinampa sa kaniya.

Noong June 13 ay kinumpirma ng DOJ na isinailalim sa house arrest si Teves.

Nagtalaga ng 24-hour security sa bahay na kaniyang tinutuluyan sa Timor Leste para siya ay mabantayan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *