Mga residente sa Ilocos Norte at Cagayan binalaan sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa ilulunsad na rocket ng China

Mga residente sa Ilocos Norte at Cagayan binalaan sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa ilulunsad na rocket ng China

Naglabas ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa isasagawang rocket launch ng China.

Sa abiso ng NDRRMC, nakasaad na ilulunsad ng China ang Long March 7A mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site nito sa Hainan sa pagitan ng 7:00 ng gabi ngayong June 28 hanggang 11:00 ng gabi ng June 30.

Dahil dito pinaalalahanan ng NDRRMC ang mga residente ng Ilocos Norte at Cagayan sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa naturang rocket.

Inatasan din ang Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at ang NAMRIA ng DENR na ikunsidera ang pagpapatupad ng temporary restrictions at pagpapalabas ng Notice to Mariners sa mga lugar na posibleng pagbagsakan ng debris.

Inatasan din ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Region 1 at II na i-monitor ang sitwasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *