30-day toll holiday sa Cavitex iiral simula July 1
Simula sa July 1 ay libreng magagamit ng mga motorista ang Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) iiral simula sa nasabing petsa ang 30-day toll holiday sa Cavitex na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB).
Ang pasya ng TRB ay kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na siyang nagmamay-ari mg property kung saan naroroon ang expressway.
Sa loob ng 30-araw, libreng magagamit ng mga motorista ang lahat ng segments ng Cavitex. (DDC)