Kargamento na naglalaman ng Marijuana Oil nakumpiska; consignee inaresto ng mga otoridad

Kargamento na naglalaman ng Marijuana Oil nakumpiska; consignee inaresto ng mga otoridad

Arestado ang isang lalaki ng claimant ng isang parcel na natuklasang naglalaman ng Marijuana Oil.

Isinailalim sa inspeksyon ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang shipment na dumating sa bansa noong June 16, 2024 at idineklarang kandila.

Ayon sa BOC, ang 5,888 grams ng Marijuana Oil ay nagkakahalaga ng P392,533.

Nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC sa nasabing kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9165.

Sa ginawa namang joint operation ng BOC-Clark at PDEA sa Mabalacat City, Pampanga, naaresto ang 28-anyos na lalaking claimant ng parcel.

Hawak na ng PDEA ang suspek at sasampahan ng karampatang kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *