Bagong kalihim ng DepEd papangalanan na ni Pang. Marcos

Bagong kalihim ng DepEd papangalanan na ni Pang. Marcos

Papangalanan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na hindi maaaring magtagal na walang namumuno sa DepEd.

Maituturing kasi aniyang “most important” department ang DepEd dahil mahalaga ang mandato nito.

Ayon kay Pangulong Marcos, tinanong niya si Vice President Sara Duterte kung ano ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw sa kagawaran.

Gayunman, wala itong ibinigay na rason. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *