P230K na halaga ng high-grade marijuana nakumpiska sa isang parcel sa Clark
Aabot sa mahigit P230,000 na halaga ng High-Grade Marijuana o Kush ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark katuwang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang mga ilegal na droga ay laman ng kargamento na idineklarang naglalaman ng “Starwars Kai Brightstar Spaceship” at dumating sa bansa noong June 13, 2024.
Ayon sa BOC, nang isailalim sa mandatory x-ray ang kargamento ay nakita ang kahina-hinalang laman nito.
At nang isailalim sa physical examination, natuklasan ang ang 142 na gramo ng Kush.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention sa kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9165. (DDC)