Online seller at driver arestado sa P1-milyong halaga ng shabu sa Parañaque City

Online seller at driver arestado sa P1-milyong halaga ng shabu sa Parañaque City

Arestado ang isang babaeng online seller at kasamang e-bike driver matapos makumpiskahan ng P1,020,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa kasagsagan ng buy-bust operation ng otoridad sa Barangay San Dionisio, Parañaque City nitong alas-5:05 ng hapon ng June 26.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
ang dalawang naarestong high-value individuals (HVIs) na sina Marjorie Ilagan y Dela Cruz, alyas Nene,40-anyos at Novarico Delacrus y Francisco, alyas Nova, 27-anyos.

Naging matagumpay ang operasyon na isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit – NCRPO, District Drug Enforcement Unit, SPD, at Station Drug Enforcement Unit, Parañaque CPS na nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawang suspek at pagkakarekober ng umano’y ilegal na droga at marked money.

Dinala ang mga suspek at ebidensiya sa RDEU-NCRPO habang inihahanda ng otoridad ang pagsasampa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang salarin.

“This accomplishment highlights our relentless pursuit to rid our communities of illegal drugs. The NCRPO remains steadfast in its mission to ensure the safety and well-being of the public,” pahayag ni MGen Nartatez Jr. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *