4 na Indian, 1 Malaysian arestado sa ilegal na pagpasok sa bansa

4 na Indian, 1 Malaysian arestado sa ilegal na pagpasok sa bansa

Naaresto ng mga tauhan ng Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) katuwang ang PNP-Maritime Group (PNP-MG) at Bureau of Immigration (BI) ang limang dayuhan na pumasok sa bansa ng walang karampatang dokumento.

Ayon sa PCG, nadakip sa Zamboanga City ang apat na Indian nationals at isang Malaysian national.

Ang ilmang dayuhan ay dumaan sa back door ng Bongao, Tawi-Tawi galing sa Malaysia.

Mula Tawi-Tawi ay sumakay sila ngn commercial passenger-cargo vessel na M/V TRISHA KERSTIN 2, patungong Zamboanga City.

Sa ginawang beripikasyon ng Intelligence Unit ng BI, ang apat na Indian nationals ay nasa kasama sa mga watchlist ng mga “blacklisted nationals” sa taong 2004, 2016, at ngayong 2024.

Sasampahayn sila ng kasong paglabag sa Commonwealth Act No. 613 o Philippine Immigration Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *