Las Pińas sanggunian muling pinagaralan ang kanilang supplemental budget at community request

Las Pińas sanggunian muling pinagaralan ang kanilang supplemental budget at community request

Tinutukan ng Las Piñas City Council ang urban development, community welfare, at financial management sa katatapos palang na 88th Regular Session nito na pinangunahan ni Vice Mayor April Aguilar.

Ayon sa nasabing sanggunian na ang key agena ay inindorsa ng Office of the City Mayor ang supplemental budget for the city for the calendar year 2024.

“This is demonstrating the council’s commitment to effective financial planning and resource allocation”, ayon kay Vice Mayor Aguilar.

Sinabi pa ng VM Aguilar muli rin nilang pinagaralan ang reclassification of land use para sa Gatchalian Subdivision, kasama ang ilang panawagan na alisin ang penalties at interest para sa business at transfer taxes ng iba’t ibang entities at individuals.

“These actions reflect ongoing efforts to support economic activities and provide financial relief to the community”, saad ni VM Aguilar.

Inaprubahan din ng city council ang annual appropriation ordinance para sa Sangguniang Kabataan ng ilang barangays at annual budget ng Barangay Talon Uno para sa 2024.

Dahil sa binibigyang halaga ng Las Pińas City government ang kapakanan ng mga bata, inirekomenda naman ng council na aprubahan na rin ang realignment ng Local Council para sa Protection of Children (LCPC) Plan at Budget para ngayong taon.

Sa pagtatapos ng nasabing session, iginiit ng city council ang patuloy nilang dedikasyon para sa maayos na pamahalaan, development, at kapakanan ng community ng Las Piñas City.

Samantala, abiso sa Las Piñero, nakatakdang magsagawa ng plebesito para gawing opisyal ang Ordinance No. 1941-23 Series of 2023 ang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ng Commission on Elections o COMELEC ngayong darating na June 29, 2024.

Nakasaad sa naturang ordinansa ang pagtatakda sa hangganan ng teritoryo ng dalawampung barangay sa lungsod ng Las Piñas alinsunod sa aprubadong cadastral survey ng Department of Environment and natural Resources na natapos noong Marso 2015. (Noel Talacay)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *