2 Korean huli sa NAIA sa pagdadala ng mahigit P3.3M na halaga ng cash
Nagsagawa ng joint inspection ang mga tuahan ng Bureau of Customs (BOC), Anti Money Laundering Council (AMLC), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ang inspeksyon ay bahagi ng pagpapatupad ng Executive Order No. 33, series of 2023 at Memorandum Circular No. 37, ng Office of the President.
Sa isinagawang joint inspection,
dalawang Korean nationals ang nahuli matapos matuklasan na may dala silang KRW 80,000,000 o katumbas ng P3,387,473.
Ayon sa simula noong Jan. 1, 2024 ay umabot na sa 83 ang total currency seizures ng BOC. (DDC)