Support Group itinatag ng Muntinlupa LGU para sa magulang ng mga batang may special needs
Support Group itinatag ng Muntinlupa LGU para sa magulang ng mga batang may special needs
Nagtatag ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ng support group para sa mga magulang ng mga batang may kapansanan o mayroong espesyal na pangangailangan.
Ito ay isang buwanang pagtitipon na naglalayong magbigay ng safe space para sa mga magulang na maaaring magbahagi ng kanilang karanasan, makakuha ng kaalaman, at magbigay ng inspirasyon sa isa’t isa.
“Nagpapasalamat ako na nagkaroon ng ganitong programa. Salamat din sa mga sharing with fellow parents, nakakakuha kami ng inspiration at idea para sa mga anak namin,” ayon kay nanay Jhen,ina ng batangmay develpmentals delays.
“Napakalaking relief para sa aming mag-asawa at sa mga tulad kong magulang kasi sa pamamagitan nito, nailalabas namin ang matagal na naming kinikimkim na pagsubok sa aming pamilya,” pahayag ng isa pang magulang na si Dan.
Ang mga anak nina Jhen at Dan ay parehong benepisyaryo ng Project AGAP (Agarang Gabay at Alalay na Pambata), isang makabagong inisyatiba ni Mayor Ruffy Biazon na naglalayong maagang matukoy at maagapan ang mga developmental delays sa mga bata.
Layunin ng programang ito na magbigay ng libreng assessment at therapy sessions na isinasagawa ng mga developmental-behavioral pediatricians upang siguruhing matatanggap ng mga batang may espesyal na pangangailangan ang napapanahong suporta at pangangalaga.
Pagpapakita ito sa dedikasyon ng Muntinlupa LGU sa pagtataguyod ng pagsasama-sama sa komunidad bilang suporta sa paglago at kagalingan ng bawat miyembro ng pamilya. (Bhelle Gamboa)