HVI, 3 pa timbog sa Parañaque City anti-illegal drug-bust

HVI, 3 pa timbog sa Parañaque City anti-illegal drug-bust

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit ang apat na indibiduwal kabilang ang isang high-value target, sa ikinasang anti-illegal drug bust operation sa Santiago Street, Baclaran dakong alas-5:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules, June 26.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) District Director, Brig. General Leon Victor Z. Rosete ang mga naarestong suspek na sina alyas Jerico, 28-anyos, tinaguriang High Value Individual (HVI); alyas Julie, 27-anyos; alyas Asnawi, 29-anyos; at alyas Abigail, 30-anyos.

Narekober mula sa apat na suspek ang 65 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱442,000.

Kaagad na itinurn over ang nakumpiskang ebidensiya sa SPD Forensic Unit para sa quantitative at qualitative analysis.

Inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

“This successful operation highlights the Southern Police District’s unwavering commitment to eradicating illegal drugs within the community. The public is encouraged to continue supporting law enforcement efforts by reporting any suspicious activities,” sabi ni BGen Rosete. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *