Bagong Volleyball Team na Quezon Tangerines pormal nang inilunsad sa lalawigan ng Quezon

Bagong Volleyball Team na Quezon Tangerines pormal nang inilunsad sa lalawigan ng Quezon

Pormal na ngang inilunsad at ipinakilala nina Quezon Governor Doktora Helen Tan at 4th District Congressman Atorni Mike Tan ang grupo ng mga kababaihang bubuo sa opisyal na volleyball team ng probinsya na Quezon Tangerines.

Sa ginanap na Press Conference noong Lunes, Hunyo 24 sa 3rd Floor ng Old Capitol Building, Lungsod ng Lucena, ipinakilala nina Gov. Tan at Cong. Tan kasama sina Team Manager Atty. Donn Kapunan, at Assistant Team Manager Benedicto Membrere ang mga mahuhusay na manlalaro ng volleyball na bubuo sa Quezon Tangerines na magiging kinatawan ng lalawigan sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA).

Ang grupo na pangungunahan ni 3x NCAA Champion Coach Jerry Yee ay binubuo ng mga kababaihan mula sa NCAA 2024 Women Volleyball Champion na College of St. Benilde at walong (😎 homegrown players ng Quezon.

Ayon kay Governor Tan, ang paglulunsad ng women volleyball team at magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataang manlalaro ng volleyball sa buong lalawigan at magiging daan para sa pagbuo ng isang grassroots program sa larangan ng pampalakasan.

Ayon pa kay Governor Tan na pangarap niya na magkaroon ng koponan ang Quezon sa sports na volleyball bilang bahagi ng pagpapalakas ng sports tourism sa lalawigan at pagsuporta sa mga manlalarong Quezonian.

Naniniwala ang opisyal na katulad ng Quezon Huskers na nakilala sa MPBL ay makikilala din ang Quezon Tangerines sa MPVA dahil sa angking galing ng mga manlalaro.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *