Mahigit 90,000 tree seedlings itinanim sa idinaos na tree-growing activity ng DENR
Mahigit 90,000 tree seedlings ang naitanim sa 200 ektaryang lupain sa idinaos na simultaneous tree-growing activity ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa DENR, umabot sa 1,543 volunteers ang lumahok sa aktibidad bilang paggunita sa Arbor Day.
Nakapagtanim ng puno sa mga bayan sa Rizal partikular sa Tanay, Antipolo, Baras, San Mateo at Rodriguez.
Ang aktibidad ay bahagi ng kontribusyon ng Pilipinas para masolusyonan ang global warming.
Ayon sa DENR, kabilang sa itinanim ang 6,600 native tree seedlings ng narra, apitong at molave, gayundin ang ilang fruit-bearing trees gaya ng guyabano. (DDC)