Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 440 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 1:05 ng madaling araw ng Miyerkules, June 25.
May lalim na 149 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig. (DDC)