PDL na tumakas sa Iwahig Prison and Penal Farm
Nahuli ng mga otoridad ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) na tumakas mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.
Ang PDL ay nahuli ng mga tauhan ng Port Management Office (PMO) sa Palawan.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), nagpanggap bilang pasahero ang PDL.
Batay sa imbestigasyon, ang PDL na tumakas mula sa Iwahig ay taga-Pangasinan.
Agad ding nai-turnover sa Philippine National Police (PNP) ang naturang PDL. (DDC)