Ne-Yo magkakaroon muli ng concert sa bansa
Darating muli sa bansa ang American singer na si Ne-Yo para sa isang concert.
Sa social media ng concert promoter na Wilbros Live, gaganapin ang concert ni Ne-Yo sa Araneta Coliseum sa Oct. 8, 2024.
Sa July 6 magsisimula ang bentahan ng tickets sa ticketnet.com.ph at sa TicketNet outlets.
Taong 2023 nagkaroon din ng two-night concert si Ne-Yo sa Araneta Coliseum.
Ilan lamang sa hit songs ni Ne-Yo ang “Mis Independent”, “So Sick” at “Closer”. (DDC)