Maynilad pinatawan ng P2M halaga ng multa ng MWSS dahil sa maduming suplay ng tubig sa ilang lugar sa Caloocan City
Pinatawan ng P2 milyon multa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad dahil sa komtaminadong suplay ng tubig sa ilang lugar sa Caloocan City.
Sa desisyon ng Regulatory Office ng MWSS, ipinataw ang kabuuang multa na P2,038,396 sa Maynilad.
Ang nasabing halaga ay kailangang ibalik ng Maynilad sa mga customer nito na naapektuhan ng kontaminadong suplay ng tubig.
Sinabi ng MWSS na napatunayan na nabigo ang Maynilad na makasunod sa Total Coliform sa Regulatory Sampling Point sa suplay ng tubig sa Caloocan Pumping Station.
Ayon sa MWSS, umabot sa 3,841 water service connections ang naapektuhan sa labing apat na mga barangay sa Caloocan.
Babayaran ang mga naapektuhang mga residente sa pamamagitan ng rebate. (DDC)