Mahinang phreatic activity naitala sa Bulkang Taal
Nakapagtala ang Phivolcs ng mahinang phreatic activity sa Bulkang Taal sa Batangas.
Sa inilabas na Volcano Advisory ng Phivolcs, nagkaroon ng steam-driven eruption sa main crater ng bulkan kagabi at nakita ito base sa visual, seismic at infrasound records ng Taal Volcano Network (TVN).
Nagbuga ang bulkan ng steam-laden plumes na umabot sa 600 meters ang taas mula sa Main Crater before.
Simula noong Enero, sinabi ng Phivolcs na mataas ang naitatalang average ng Sulfur dioxide (SO2) emissions sa bulkan.
Inaasahan ding magpapatuloy ang mahihinang phreatic activity sa bulkang Taal.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito. (DDC)