Coast Guard ng Pilipinas, Indonesia, at Japan inumpisahan na ang MARPOLEX 2024 na
Inumpisahan na ng Pilipinas, Indonesia at Japan ang apat na araw na Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2024 sa Bacolod City, Negros Occidental.
Pinangunahan ng Coast Guard District Western Visayas ang idinaos na welcome ceremony sa aktibidad.
Lalahok sa aktibidad ang BRP Gabriela Silang, KN Trisula P111 ng Indonesia at PLH 02 Tsugaru ng Japan.
Ang mga tauhan ng PCG, Directorate General for Sea Transportation (DGST) ng Indonesia at Japan Coast Guard ay magsasagawa ng maritime exercises sa Search and Rescue, firefighting, oil spill and equipment recovery operations, at damage assessment. (DDC)