Dating Sen. De Lima pinawalang sala ng Muntinlupa Court sa kanyang huling illegal drug case

Dating Sen. De Lima pinawalang sala ng Muntinlupa Court sa kanyang huling illegal drug case

Inabsuwelto ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) si dating Senador Leila de Lima mula sa huling kaso nito ng ilegal na droga na isinampa laban sa kanya ng administrasyong Duterte.

Sa inilabas na desisyon araw ng Lunes, June 24 ni Muntinlupa RTC Branch 206 Presiding Judge Gener Gito ay pinagbigyan ang demurrer to evidence para ibasura ang ikatlo at huling kaso laban sa dating senador.

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure, ang demurrer to evidence ay isang mosyon na i-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Binanggit ng isang nasasakdal na ang ebidensyang ginawa ng prosekusyon ay hindi sapat upang makagawa ng isang kaso, totoo man o hindi. Kapag napagbigyan, ang kaso ay idi-dismiss, at ito ay katumbas ng pagpapawalang-sala.

Matatandaan ang huling kasong conspiracy to commit drug trading sa RTC Branch 206 na dinesisyunan nitong Lunes, ang nagpahintulot sa senadora na maglagak ng piyansa noong Nobyembre 2023 at lumaya sa kulungan matapos ang halos pitong taon na pagkakabilanggo nito.

Batay sa rekord sa huling kaso ni De Lima, inakusahan ang dating senadora na kasabwat umano sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong siya pa ang dating kalihim ng Department of Justice kung saan mayroon siyang supervisory powers sa naturang pambansang piitan.

Sinasabing nasuhulan din umano siya ng P70 milyon ng Bilibid convicts, na inakusahan din niyang ginamit para tumakbo at manalo bilang senador noong 2016. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *